Lahat tayo ay nanggaling sa sinapupunan ng ating ina. Hindi natin maikakaila na doon sa lugar na iyon tayo ay ligtas na ligtas sapagkat hindi lamang tayo yakap ng ating ina pero tayo ay nasa loob ng ating ina. Ito rin marahil ang ating nadarama kapag tayo ay mayroong problema o dinadala na mabigat sa buhay. Gusto natin na may nakayakap sa atin. Gusto natin ng init ng pagmamahal at pag-aaruga.
Naniniwala ako na ganito lahat ng ating karanasan. Lahat tayo ay nangangailangan na mahalin at magmahal.
Si Maria ay ating ina. Hindi man natin siya pinapansin, tayo ay mga anak pa rin niya. Naghihintay siya na ating sagot. Naghihintay siya ng ating kasagutan.
Ang pagmamahal na ito ang hinahangad ko na maging pamantayan sa pagbubukas-puso na ito. ako ay naglalakas-loob na magbahagi sapagkat naranasan ko na ako ay mahalin ng totoo at magmahal ng totoo. Ang karanasang ito ang titiyak at magiging pamantayan sa lahat ng mababasa sa konting espasyo na ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment